Friday, July 11, 2008

Ang Ipis. Bow.

I got this off Ate Myra's Multiply. Hehe! Funneeeee...

----

Mortal tayong magkaaway.

Tandang tanda ko pa, takot na takot ako sa ‘yo nung bata ako. Lagi kang umaaligid. Lumalapit ka pag di ko alam at nakakalapit ka ng di ko namamalayan. Pero ayoko pa rin sa ‘yo. Hindi kita gusto dahil alam ko na sasaktan mo lang ako. Style mo yan, lalapit ka pero mananakit ka lang.

Hanggang ngayon ganyan pa rin ang style mo. Aali-aligid, kung kani-kanino, kung saan saan. Lumalapit ka pero nananakit ka lang. Tama lang siguro na laging handa ang tsinelas ko panghampas sa ‘yo.

Pero kaninang umaga, pagkagising ko, naramdaman ko na may ibang pakiramdam sa labi ko. Kinagat mo ko habang himbing na himbing ako sa pagtulog. Hindi ako handa. Hindi ko namalayan ang paglapit mo.

Ikaw pa ang first kiss ko.

No comments:

Post a Comment